Agarang kumilos ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta upang maresolba ang iniulat na problema sa septic tank at sewerage system sa isang bahagi ng bayan, bilang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente.
Inatasan ni Mayor Virgilio Vallarta, sina Engr. Noel Calaunan at Mr. Perlito Modelo na personal na pangasiwaan ang agarang pagsasaayos ng naturang pasilidad upang matugunan ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.
Bilang paunang hakbang, nakatakdang isagawa ang siphoning o pag-sipsip ng septic tank sa gabi upang maiwasan ang matinding epekto sa daloy ng trapiko at sa pang-araw-araw na gawain ng mga residente.
Ayon sa alkalde, hindi titigil ang pamahalaang bayan hangga’t hindi ganap na naaayos ang problema. Patuloy aniyang magsasagawa ng mga kinakailangang hakbang ang LGU upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang lugar para sa mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










