Programang NTF-ELCAC, masusing pag-aaralan ng bagong National Security adviser

47

Wala pang ideya sa ngayon si incoming National Security Adviser Professor Clarita Carlos sa takbo ng programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Carlos na hindi pa siya nabibigyan ng briefer ng kanyang predecessor na si Secretary Hermogenes Esperon ukol dito.

Kailangan ani Carlos na pag-aralan niya ang tungkol sa NTF- ELCAC pero base sa kanyang nakukuhang impormasyon sa ground ay marami namang naidulot itong tagumpay.


Aniya ang mga success stories dito ay kailangang kopyahin at pag ibayuhin habang ginagawa ang pag-aaral sa detalye ng mandato ng NTF- ELCAC.

Facebook Comments