PROJECT TAWIRAN, PATULOY NA ISINASAGAWA SA LINGAYEN PARA SA KABATAANG OUT-OF-SCHOOL

Patuloy na isinasagawa at ngayon ay nasa ikalawang sesyon ang Project Tawiran sa Sitio Aplaya, Barangay Pangapisan North, Lingayen bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na naglalayong paunlarin ang kakayahan sa pagbasa at pagsulat ng mga kabataan.

Ang nasabing proyekto ay mula sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Layunin ng Project Tawiran na magsilbing daan upang mapaunlad ang literacy ng mga bata, lalo na ang mga out-of-school youth, sa pamamagitan ng mga gawaing nakatuon sa pagbabasa at pagsusulat.

Itinuturing itong mahalagang pundasyon upang matiyak ang mas maliwanag na kinabukasan ng mga kabataan.

Patuloy na inaasahan ng mga tagapagpatupad ng programa ang mas malawak na pakikilahok ng komunidad upang higit pang mapalakas ang edukasyon at kaalaman ng kabataang Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments