Pagpapataw ng karagdagang buwis, hindi napag-uusapan ng administrasyong Marcos

97

Kinumpirma ni incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na walang napag-uusapan hinggil sa pagpataw ng karagdagang buwis sa ilalim ng Marcos administration.

Ayon kay Rodriguez, ipinasisilip pa umano ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung paano mabibigyan ng tax relief lalo na ang mga maliliit na negosyo na apektado ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ni Rodriguez, kailangan pa rin tulungan ang mga Pilipino na makabangon sa epekto pandemya.


Matatandaang iminungkahi ng Department of Finance (DOF) ang mga panibagong buwis para mabayaran ang utang ng Pilipinas.

Facebook Comments