Pinag-usapan ang mga hakbang para sa patuloy na proteksyon at kapakanan ng mga bata, kababaihan at iba pang sektor ng komunidad sa isinagawang Joint 3rd Quarter Meeting sa Alaminos City.
Pinangunahan ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste bilang chairperson ang pagpupulong ng Alaminos City Council for the Protection of Children o ACCPC, Local Committee on Anti-Trafficking-Violence Against Women and their Children o LCAT-VAWC, at City Advisory Council o CAC.
Isinagawa ang pagpupulong sa CSWDO Conference Room, kung saan tinalakay ang mahahalagang update, mga usapin at plano para sa pagpapatuloy ng mga programa para sa proteksyon at kapakanan ng mga sektor.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagtutulungan at koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan at katuwang na organisasyon upang maisulong ang isang ligtas at protektadong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










