LIBRENG LEGAL CONSULTATION, NAKATAKDANG IHATID SA MGA RESIDENTE NG SAN CARLOS CITY SA OKTUBRE 4

Magbibigay ng libreng legal na payo at konsultasyon sa mga residente ng San Carlos City, Pangasinan sa darating na Oktubre 4, 2026.

Isasagawa ang Free Legal Aid and Consultation sa Arenas-Resuello Sports Complex mula 8:10 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Pangungunahan ito ng Lokal na Pamahalaan ng San Carlos City katuwang ang Lyceum Northwestern University – College of Law sa pamamagitan ng Clinical Legal Education Program.

Layunin ng aktibidad na mailapit sa mga San Carlenian ang libreng gabay at konsultasyon para sa iba’t ibang usaping legal.

Hinikayat ang mga residente na samantalahin ang pagkakataong ito upang makapagtanong at makakuha ng gabay hinggil sa mga usaping may kinalaman sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments