Friday, June 5, 2026

PROTEKSYON SA FOREST LANDS NGBAYAMBANG, PINAIIGTING 

Pinaiigting ng Department of Environment and Natural Resources Region 1 (DENR-R1) ang pangangalaga sa mga natitirang forest land o timberland areas sa Bayambang.

Magsasagawa ang mga ito ng komprehensibong imbentaryo upang matukoy, maitala, at mamonitor ang lahat ng umiiral na imprastruktura sa loob ng mga forestland upang matiyak ang wastong paggamit at pamamahala sa mga lugar na ito.

Bahagi rin ito ng pagpapatupad ng mga umiiral na batas at regulasyong pangkalikasan na naglalayong mapanatili ang integridad ng mga natitirang kagubatan sa bayan.

Inaasahang makatutulong ang inventory sa pagpapahusay ng monitoring at pagpapatupad ng mga environmental policies, gayundin sa pagprotekta sa mga forestland areas laban sa mga gawaing maaring makasama sa kalikasan at likas-yaman ng Bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments