
Cauayan City – Nakamit ni Alexis John Isaiah Endrinal Medina na nagtapos sa Isabela State University Echague Campus ang ika-6 na puwesto sa listahan ng National Topnotchers sa katatapos lamang na February 2025 Criminology Licensure Examination, matapos makakuha ng 91.65% passing rate.
Samantala, ika-4 naman sa listahan ang Top Performing Schools ang Isabela State University Cauayan Campus, na nakakuha ng 88.72% percentage passed sa mga eskwelahan na may 101-199 examinees.
Ika-6 na puwesto naman ang Isabela State Univesity Echague na nakakuha ng 88.12% percentage passed.
Sa inilabas na resulta ng PRC Board, 22,245 mula sa 36,768 o 60.50% ang bilang ng nakapasa sa nabanggit na pagsusulit.
Facebook Comments