PUGO, LA UNION, ‘DEBT-FREE’ NA MATAPOS MABAYARAN ANG MAHIGIT ₱44-MILYONG LOAN SA BANKO

Ganap nang nakalaya sa utang ang lokal na pamahalaan ng Pugo, La Union matapos tuluyang mabayaran noong Marso 30, ang kabuuang loan na umabot sa ₱44,145,676.18, kabilang ang huling bayad na ₱36,245,923.39.

Ang pagbabayad ng nasabing obligasyon ay bunga ng masinop at sistematikong pamamahala sa pananalapi, na nakatuon sa pagbawas ng utang at mas epektibong paggamit ng pondo ng bayan.

Sa pagiging debt-free, mas mapapalawak na ang kakayahan ng pamahalaan na maglaan ng pondo para sa mga proyektong pangkaunlaran, pagpapahusay ng serbisyong panlipunan, at iba pang programang direktang mapapakinabangan ng mga residente.

Sa kasalukuyan, inaasahang magpapatuloy ang pagpapatupad ng mga inisyatibong magtutulak sa mas progresibong kinabukasan para sa buong bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments