Nakiisa sa Ceremonial Distribution of Coconut Seedlings ang isang kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Sual bilang bahagi ng Coconut Production Expansion Program ng Philippine Coconut Authority (PCA).
Layunin ng programa na mapalawak ang produksyon ng niyog sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga punla sa iba’t ibang barangay ng Sual, Pangasinan, upang matulungan ang mga lokal na magsasaka at mabigyan sila ng karagdagang oportunidad sa kabuhayan.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtatanim ng niyog bilang pangmatagalang puhunan na maaaring magbigay ng dagdag na kita at pag-asa sa mga pamilyang umaasa sa sektor ng agrikultura.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga kalahok sa Philippine Coconut Authority at sa Sual Municipal Agriculture Office sa kanilang pangunguna at pagsisikap na mailapit ang naturang programa sa mga magsasaka at iba pang mamamayan.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang higit na mapalalakas ang pagtatanim ng niyog at ang pagpapaunlad ng agrikultura sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








