Pulis na nang maliit sa BFP, inalis na sa pwesto ng PNP

612

Inalis na sa pwesto ng Philippine National Police (PNP) ang isa nilang tauhan na nang maliit sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ito ay matapos kumalat sa social media platform na TikTok ang video ni Police Corporal Rexter Dan Tubu Manaloto ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng Angeles City at may user name na “Rexter Dan” na nagsasabing “relax” ang mga tauhan ng BFP.

Sa ipinadalang formal complaint ni Fire Director Louie Puracan kay Philippine National Police Officer in Charge Liutenant General Vicente Danao Jr., sinabi nitong masakit sa kanila na pagsabihang “relax” sa trabaho, sa kabila ng sakripisyo ng kanilang mga tauhan tuwing may sunog.


Hindi rin aniya nagpakita ng pagsisisi ang pulis dahil sa comment section ay hinahamon pa nito ang lahat na may negatibong komento sa kaniya.

Facebook Comments