PULISYA SA PANGASINAN, WALANG NAMOMONITOR NA PRIVATE ARMED GROUPS

Inihayag ng Pangasinan Police Provincial Office (PANGPPO) na wala itong namomonitor na private armed group sa kabila ng pagkakalagay ng ilang lugar sa lalawigan sa yellow category areas of concern.

Ayon kay Pangasinan Police Provincial Director PCol. Rollyfer Capoquian, mariin nilang tinu ukan ang ilang lugar na nasa yellow areas of concern, bagamat puro kasaysayan lamang umano ng political unrest o intense rivalries lamang ang rason sa pagsasailalim sa nasabing kategorya ng mga ito.

Samantala, ilang lugar naman umano sa Region 1 ang humiling sa COMELEC Region 1 na ibaba ang kanilang kategorya sa green lamang, ayon yan kay COMELEC Region 1 Assistant Regional Director Atty. Reddy Balarbar.

Gayunpaman, sa pagsisimula ng kampanya ng mga national positions, handa ang pulisya ang pagbibigay seguridad sa mga ito sa kanilang pagbisita sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments