Tuloy-tuloy ang isinagawamg flu vaccination drive sa lahat ng paaralan sa San Nicolas ngayong taon upang mapalakas ang kalusugan ng mga kabataan.
Sa pagtatala ng Rural Health Unit ng bayan, kabuuang 1,904 na mag-aaral na kinabibilangan ng 934 high school students at 970 elementary students ang naturukan ng flu vaccine.
Ang bakuna ay libreng ipinamahagi sa mga mag-aaral bilang hakbang sa maagap na pag-iwas ng mga kabataan sa influenza diseases.
Bukod sa mga mag-aaral, prayoridad din na mabakunahan ang mga kabilang sa vulnerable sector Gaya ng senior citizens at health frontliners.
Umaasa naman ang ilang residente na sila rin ay mabakunahan sa susunod na isasagawang vaccination drive. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments