PUNONG MAHISTRADO | Associate Justice Lucas Bersamin, tinanggap ang automatic nomination

561

Manila, Philippines – Tinanggap na ni Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin ang kanyang automatic nomination para sa posisyon ng chief justice.

Nakatakda maging bakante ang posisyon sa pagkapunong mahistrado susunod na linggo dahil sa mandatory retirement ni Chief Justice Teresita Leonardo De Castro.

Base sa ruling, ang 5 sa most senior justices ng SC ay awtomatikong nakakatanggap ng nominasyon para sa pwestong chief justice.

Gayunpaman, hindi makukunsidera bilang opisyal na kandidato ang mahistrado kung hindi nito tatanggapin ang nominasyon.

Maliban kay Bersamin, nominado rin sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Diosdado Peralta, Mariano Del Castillo at Estela Perlas-Bernabe.

Facebook Comments