QC-LGU, ikinalungkot ang pagkahulog sa bangin ng isang service bus ng DepEd sa Orani, Bataan

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na ang bus na nahulog sa bangin sa Orani, Bataan ay isa sa tatlong bus na donasyon ng city government sa Schools Division Office noong 2016.

Sa isang statement, sinabi ng QC LGU na ang sakay ng bus ay mga coordinators ng public school Gender and Development (GAD).

Dumalo ang mga ito sa isang capacity building activity nang mangyari ang aksidente.


Dagdag pa ng QC LGU, ang seminaray inorganisa at may pahintulot ng Deped-Schools Division Office Quezon City.

Labis na ikinalulungkot ng lokal na pamahalaan ang pangyayari.

Nangako naman ang QC LGU na tutulong sa pangangailangan ng mga nasangkot sa insidente.

Facebook Comments