QCPD, pinapurihan matapos ang pagkakahuli sa serial rapist-robber

Ikinalugod ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkasakote ng Quezon City Police District (QCPD) sa serial rapist na nasa likod ng serye ng panggagahasa at panghoholdap sa mga babaeng massage therapist sa lungsod.

Nagpapasalamat ang mayor sa QCPD sa mabilis na pagkilos para madakip si Marianito Sta. Maria na gumagamit din ng mga alias na “Robertson Bautista” at “Jayson Mallari”.

Modus ni Sta. Maria na magpa-book ng massage gamit ang nakaw na cellphone.


Pagkatapos niyang i-book ang massage therapist ay dito na niya ito tututukan ng patalim at paghuhubarin saka hahalayin.

Kapag ninakawan na ni Sta. Maria ang mga babae ay kukunin ang mga number sa cellphone ng mga biniktima para sa susunod niyang target.

Nais ni Belmonte na tiyakin ng QCPD na mapapanagot ang suspek sa kanyang mga ginawang kasamaan sa mga kababaihan.

Facebook Comments