Quezon City LGU, hindi muna tatanggap ng online booking sa eZconsult website

Photo Courtesy: Quezon City Government Facebook Page

Hindi muna tatanggap ng online booking sa eZconsult website at assisted booking ang mga barangay sa Quezon City para sa first dose.

Ayon sa Local Government Unit nito, ito’y habang hinihintay pa ang dagdag na COVID-19 vaccine mula sa Department of Health (DOH).

Para naman sa nabigyan na ng first dose tiniyak ng city government na makakatanggap ang mga ito ng second dose sa petsa sa kanilang vaccination card.


Pinapayuhan ang mga residente na hintayin na lang ang abiso ng mga barangay kung kailan maglalabas ng schedule para sa pagpapatuloy ng pagbabakuna.

Umabot na sa 121,621 na katao ang nabakunahan ng kontra COVID sa Quezon City.

Facebook Comments