Comelec, kinumpirmang kasama na ang media sa makatatanggap ng server sa halalan sa Mayo

Kinumpirma ni Commission on Elections o Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na kasama na ang media sa makakakuha ng server sa gagawing halalan sa Mayo.

Sa ginanap na Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas – General Membership Meeting sa Makati City, sinabi ni Laudiangco na mas madali na ngayon na maa-access ng media ang partial result ng halalan at hindi na kailangang magtakbuhan ng mga reporter na magko-cover sa halalan.

Tiniyak din ni Laudiangco na kasado na ang paglalagay ng mga presinto sa mga shopping mall.


Aniya, sa ganitong paraan maiiwasan ang vote buying at ang mga harassment ng mga kandidato.

Samantala, kinumpirma rin ni Laudiangco na sa ngayon ay umaabot na sa 255 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban.

Facebook Comments