Thursday, September 3, 2026

PDRRMO, NAGBIGAY PAALALA SA MGA KOMUNIDAD NA MALAPIT SA AGNO RIVER

Nagbigay paalala ang Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO sa posibleng panganib sa mga komunidad na nakapalibot sa Agno River matapos magpakawala ng tubig ang San Roque Dam.

Sa isang Facebook post, nag-paalala ang PDRRMO na umiwas at lumayo muna sa ilog, iwasan ding tumawid, maligo, o mamangka upang makaiwas sa aksidente.

Sa kasalukuyan, bukas ang dalawang gate ng San Roque dam kung saan 614 cms ang kabuuang outflow na sinasalo ng Agno River.

Patuloy namang naka-antabay at naka-monitor ang mga LGU sa mga bayan at lungsod na daraanan ng Agno River habang tuloy-tuloy ang pagpapakawala ng dam.

Dagdag ng PDRRMO, patuloy na maging alerto at maging updated sa mga susunod na abiso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments