Raffy Tulfo at Antique Rep. Loren Legarda, most preferred senatorial candidates sa latest Pulse Asia Survey

1846

Nanguna sina Raffy Tulfo at Antique Representative Loren Legarda sa most preferred senatorial candidates sa latest Pulse Asia Research Inc.’s survey na isinagawa nitong Abril.

Sa inilabas na resulta ng survey ngayong araw, nakakuha ng 50.4% na score si Tulfo na sinundan ni Legarda na may 49.4%.

Pangatlo naman ang aktor na si Robin Padilla na may score na 42.9%, sinundan ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano na may 42.3%, Sorsogon Governor Francis Escudero na may 38.6%, at Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Miguel Zubiri na kapwa may 37%.


35.9% naman ang nakuhang rating ni dating Public Works and Highways Secretary Mark Villar, habang nakakuha si dating Senador JV Ejercito ng 34.3%, former Vice President Jejomar Binay na may 32.5%, Senator Risa Hontiveros na may 32.3%, at former Senator Jinggoy Estrada na nakakuha ng 32.3%.

Humahabol din sina dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na may 26.6%, Senator Joel Villanueva – 26.5%, former Information and Communications Technology Secretary Gregorio “Gringo” Honasan II – 22.4%, Senator Richard Gordon – 19.3%, former Senator Antonio Trillanes IV – 19%, at former Presidential Spokesperson Harry Roque – 17.9%.

Ang survey ay isinagawa noong April 16 hanggang 21, 2022 sa 2,400 respondents na pawang mga registered voters sa pamamagitan ng face-to-face interviews at may margin of error na ±2% at 95% confidence level



Facebook Comments