TUMAYA | Mayor Sara Duterte, bibigyan ng balato si Trillanes sakaling manalo sa lotto

Bibigyan ng balato ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si Senator Antonio Trillanes sakaling manalo siya sa Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na may higit 800 milyong pisong jackpot prize.

Nabatid na trending kahapon ang pagtaya ng alkalde sa isang lottery outlet.

Ayon kay Mayor Duterte – babalatuan niya sa Trillanes ng ₱121 million para gamitin para sa mga legal fees nito.


Bukod aniya sa senador, bibigyan niya ng tig-100 milyon ang kanyang mga anak na sina Sharky, Stingray at Stonefish.

Magdo-donate din si Mayor Sara ng ₱100 million sa isang foundation na may adbokasiyang child abuse prevention.

Dagdag pa ng alkalde – bibigyan naman niya ng ₱40 million ang kanyang personal aide na si Jujo matapos siyang pahiramin ng ₱2,000 para makapagtaya sa lotto.

Isang nagngangalang ‘Myk’ ay makakatanggap naman ng ₱20 million matapos pahiramin ang alkalde ng apat na piso para sa taya.

Maglalaan din si Mayor Sara ng ₱30 million para sa retirement ng isang ‘Nonog’ para alagaan ang isang ‘Ella’.

Ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na nakatalaga bilang bodyguard ng alkalde ay makakatanggap ng ₱150 million para makabili ng kani-kanilang mga motorsiklo.

Ang ₱18 million ay mapupunta sa kanyang mga staff at iba pang mga nagtatrabaho sa kanilang bahay.

Magpapabalato rin si Mayor Duterte ng limang milyong piso para sa sales girl ng lotto outlet kung saan siya nagtaya.

Ang ₱45 million ay ibibigay niya sa iba pang nangangailangan.

Facebook Comments