Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria, mag-on na raw?

132

How true ang chikang magkarelasyon na sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria?

Trending kasi ngayon sa social media ang picture ng dalawa kung saan makikita na magkayakap sina Raymart at Jodi na talagang sweet na sweet.

Ito raw ay kuha sa isang intimate dinner na surprise ni Jodi para kay Raymart at nangyari sa isang private place sa Alabang.

Nagse-celebrate raw ang dalawa ng kanilang special day.

Nabatid na last April pa raw nagsimula ang relasyon nina Raymart at Jodi.

Parehong ikinasal sa iba sina Raymart at Jodi, pero nauwi rin sa hiwalayan ang kani-kanilang marriage.

Si Raymart ay ikinasal noon kay Claudine Barretto at si Jodi ay ikinasal naman noon kay Pampi Lacson.




Facebook Comments