Mahigit isang taon matapos pasinayaan ang school building sa Malued Elementary School, muling ininspeksyon ang paaralan noong Setyembre 5 para sa panukalang panibagong 3-storey school building.
Kasama sa inspeksyon si Mayor Belen T. Fernandez at mga kinatawan ng Barangay Malued.
Ang panukalang gusali ay isinusulong sa Department of Education (DepEd).
Matatandaang noong Hunyo 2025 ay pinasinayaan ang 3-storey, 9-classroom building sa naturang paaralan bilang solusyon sa kakulangan ng pasilidad para sa mga mag-aaral.
Ayon sa datos ng DepEd noong Hunyo 2026, nasa 143,543 pa ang tinatayang classroom backlog sa buong bansa mula sa 165,443 na target masolusyunan ng kasulukuyang administrasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








