Region 8, nangunguna sa may pinakamaraming nagpapatala sa voters’ registration

35

Umaabot na sa mahigit 750,000 ang aplikasyon na natanggap ng Commission on Elections (COMELEC) mula sa mga bagong botante sa unang linggo ng voters’ registration.

Pinakamarami pa rin sa mga nagparehistro ay nasa edad 15 hanggang 17 na umabot sa mahigit 470,000.

Pinakamarami rin sa mga bagong registrant ay mula sa Region 8 na may higit 52,000.


Sa kabuuan, mahigit isang milyong aplikasyon na ang natanggap ng COMELEC kabilang na ang mga dating botante na lumipat ng address, gayundin ang mga nag-update ng mga personal na impormasyon tulad ng apelyido at mga na-deactivate na botante matapos mabigong bumoto sa 2 nagdaang eleksyon.

Facebook Comments