
Umaasa ang Philhealth na maseserbisyuhan nila ang mahigit 26 million na mga learner, guro at mga magulang sa programang Yakap in Schools.
Kasabay na rin ito ng Ceremonial Signing Joint Memorandum Circular for YAKAP in Schools kasama sina Dr Ho, Department of Health Sec. Dr. Edwin Mercado, Department of Education Sec. Sonny Angara at Department of Interior and Local Goverment Sec. Jonvic Remulla.
Ayon kay Ho, isinusulong nila ang pagpapatupad ng Yakap in Schools program sa mga paaralan upang palakasin ang suporta, proteksyon at pag-aaruga sa mga mag-aaral.
Layunin ng programa na magkaroon ng mas ligtas at mas positibong kapaligiran sa paaralan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga guro, magulang at iba pang katuwang ng komunidad.
Mahalaga ang pagbibigay ng gabay at suporta sa mga estudyante upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa aspeto ng edukasyon, kalusugan at kapakanan.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad nito sa mga paaralan.










