REGULAR NA INSPEKSYON SA MAPANDAN PUBLIC MARKET, ISINAGAWA

Nagsagawa ng regular na inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng Mapandan sa pampublikong pamilihan noong Miyerkules bilang bahagi ng pinaigting na kampanya para sa kaayusan, kalinisan, at maayos na daloy ng mga mamimili at vendor.

Sa isinagawang pag-iikot sa Mapandan Public Market, sinuri ng mga awtoridad ang pagsunod ng mga vendor sa itinakdang hangganan ng kanilang mga puwesto upang mapanatiling maluwag ang mga daanan sa loob ng pamilihan.

Mahigpit ding ipinatutupad ang one-way scheme, kabilang ang paggamit ng tamang entrance at exit, gayundin ang maayos na pagparada sa mga nakatalagang lugar.

Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang pakikiisa at disiplina ng parehong vendor at mamimili upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at seguridad sa loob ng pampublikong pamilihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments