
Target ng Commission on Elections (COMELEC) na matapos sa loob ng isang linggo ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections na gaganapin sa September 14, 2026.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nasa 2.39 milyong balota ang kinakailangang maimprenta para sa halalan.
Apat na printer ng National Printing Office (NPO) ang gagamitin sa pag-iimprenta, kung saan aabot sa P63 milyon ang budget para sa printing.
Ayon kay Garcia, kapag natapos ang eleksyon at kung may ihahaing election protest, obligado silang ilabas ang mga detalye ng balota.
Kabilang ang mga secret markings at iba pang security features na ginagamit sa authentication, alinsunod sa utos ng korte.










