Isinagawa ang regular na cleaning at flushing activity sa Tayug Public Market bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan at sanitation sa pampublikong pamilihan.
Nakiisa sa aktibidad ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga tauhan ng Bureau of Fire Protection o BFP, at mga volunteer.
Layunin ng regular na paglilinis na matanggal ang naipong dumi, mabahong amoy, at iba pang maaaring pagmulan ng bacteria at sakit sa palengke na araw-araw na dinarayo ng mga nagtitinda at mamimili.
Sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga kawani at volunteers, sinisikap na mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang pamilihan para sa mga gumagamit nito.
Hinikayat naman ang mga nagtitinda at mamimili na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa palengke at maging responsable sa wastong pagtatapon ng basura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








