GASTUSIN SA TRANSPORTASYON, PANGUNAHING DAHILAN NG PAGBAGAL NG INFLATION SA ILOCOS REGION — PSA REGION I ‎

Gastusin sa transportasyon ang tinitignang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation sa Ilocos Region noong Mayo nitong taon, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region 1.

‎Ayon sa datos, ang transport commodity group na binubuo ng diesel, gasolina, at pamasahe ang isa sa pangunahing dahilan umano ng pagbagal ng inflation sa rehiyon.

‎Bumaba ang overall inflation sa 5.8% noong Mayo 2026, mula sa 7.3% noong Abril 2026, na katumbas ng 1.5 percentage points.

‎Sa breakdown ng PSA Region 1, ang transport ay may malaking ambag sa overall inflation sa rehiyon na may 28.4% share, kasunod ng food and non-alcoholic beverages na may 32.5% share.

‎Nilinaw ng ahensya na bagama’t patuloy pa ring tumataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Ilocos Region ay mas naging mabagal umano ang pagtaas nito kumpara noong nakaraang buwan, lalo na sa gastusin sa transportasyon.

‎Sa panig naman ng mga tsuper, bagama’t nararanasan ang pagbagal ng pagtaas ng presyo ng krudo kumpara sa mga nakaraang buwan, nananatili pa rin umano itong mabigat na dagok sa kanilang kita dahil sa patuloy na mataas na presyo ng gasolina at diesel na siyang malaking bawas sa pang araw-araw na kita. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments