Rehabilitasyon sa mga Napinsala ng Baha sa Cagayan Valley, Ipinag-utos ng Pangulo

28

Cauayan City, Isabela- Inatasan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng ahensya sa Lambak ng Cagayan na magsagawa ng agarang rehabilitasyon sa mga naiwang napinsala ng matinding pagbaha.

Ito ang kanyang sinabi sa situation briefing kahapon kasama ang mga matataas na opisyal ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa ginawang pagbisiti sa lalawigan ng Cagayan.


Base sa inisyal na pagtaya ni Office of the Civil Defense Regional Director Harold Cabreros, umaabot sa P73 million pesos ang halaga ng pinsala ng bagyong Ulysses sa agriculture sector habang aabot naman sa P39.8 Million sa mga imprastraktura sa rehiyon dos.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Duterte sa mga naulilang pamilya ng mga naitalang nasawi sa kasagsagan ng pagbaha sa Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments