Monday, July 13, 2026

Reklamong inciting to sedition at grave threats laban kay VP Sara, sinusuri pa rin —DOJ

Hiwalay ang ginagawang pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) sa reklamong inciting to sedition at grave threats na isinampa sa kanila laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang nilinaw ni DOJ Secretary Eric Vida kung saan wala pa aniyang panibagong update kaugnay sa naturang reklamo.

Ayon sa kalihim, nagpapatuloy pa ang pagsusuri ng Justice Department sa draft resolution sa reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.

Noong nakaraang taon nang ihain ng National Bureau of Investigation (NBI) ang reklamo matapos ang pagbabanta kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ang naturang pagbabanta din ang batayan ng isa sa articles of impeachment na kasalukuyang dinirinig ng Senate impeachment court.

Facebook Comments