
Tiniyak ni House Prosecutor Manila Rep. Joel Chua na hindi maaapektuhan ang lakas o bigat ng ika-apat na Article of Impeachment kahit hindi pa natutukoy ang kinausap ni Vice President Sara Duterte na papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., 1st Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Pahayag ito ni Chua makaraang aminin ng testigo na si National Bureau of Investigation Regional Director Atty. Jeremy Lotoc na hindi pa nila natutukoy ang kinusap ni VP Sara para gawan ng masama si Pangulong Marcos at iba pang personalidad.
Diin ni Chua, hindi issue ang assassin kundi ang grave threat o binitiwang pagbabanta ni VP Sara sa pangulo mismo at iba pang tao.
Ipinunto ni Chua na pwedeng matuloy ang pagbabanta kahit walang assassin o kinontratang magsasagawa ng pagpatay.










