Rekomendasyong pagsibak sa mga tauhan ng OTS sa NAIA, suportado ng kanilang hepe

Suportado ni Office of Transportation Security (OTS) Administrator Ma-o Aplasca ang rekomendasyon ni Speaker Martin Romualdez na sibakin lahat ng screeners ng OTS sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasunod ito ng pagkakasangkot ng ilang OTS screeners sa nakawan sa mga dayuhang pasahero sa NAIA.

Naniniwala si Aplasca na ito ang tamang paraan para mabago ang imahe ng OTS.


Nilinaw naman ni Aplasca na maaari namang mag-reapply ang security screening officers na may magandang record.

Tiniyak din ni Aplasca na dudulog siya sa Kongreso para hilingin na ayusin ang mga benepisyo ng mga tauhan ng OTS para hindi sila natutukso na gumawa ng katiwalian.

Facebook Comments