Monday, July 13, 2026

Relasyon ng Pilipinas at China, mas maayos kung susundin ang international law — PCG

Nasa mas magandang sitwasyon umano ngayon ang relasyon ng Pilipinas at China kung susundin lamang nila ang international law.

Bahagi ito ng pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela matapos siyang sisihin sa kasalukuyang estado ng relasyon ng dalawang bansa.

Ayon sa Chinese Embassy, kung wala lang umano ang mga taong gaya ni Tarriela, na inilarawan nila na naghahasik ng alitan at nag-uudyok ng galit, ay maayos daw sana ang ugnayan ng China at Pilipinas.

Sumagot naman si Tarriela na kung susundin lamang ng China ang international law, titigil sa pangha-harass sa mga ordinaryong Pilipinong mangingisda pati ng mga barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), pagsira sa kalikasan dahil sa reclamation, at iligal na pag-angkin sa teritoryo ay nasa maayos na kalagayan aniya ngayon ang relasyon ng dalawang bansa.

Kahapon, July 12, isinagawa ang National Peace Walk bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award na kumilala sa Pilipinas bilang may karapatan sa West Philippine Sea.

Facebook Comments