
Inihayag ng Department of Energy (DOE) ang patuloy na paglago at paglakas ng renewable energy investments ng bansa matapos itong pumalo sa ₱5.46 trillion sa ilalim ng Green Lane initiative ng pamahalaan.
Ayon sa DOE, sumasaklaw ang naturang halaga sa 187 projects na bumubuo sa malaking bahagi ng kabuuang ₱6.36 trillion ng mga certified strategic investments sa bansa, na nagpapakita ng patuloy at matatag na tiwala ng mga investors sa Pilipinas.
Inaasahang makapagbibigay rin aniya ang mga proyektong ito ng mahigit 200 libong trabaho para sa mga Pilipino.
Tiniyak naman ng DOE na patuloy silang magpapatupad ng mga polisiyang hihikayat sa mas marami pang mamumuhunan upang matiyak ang sapat, ligtas, at pangkalahatang suplay ng enerhiya sa hinaharap.










