Tuesday, September 1, 2026

Manipestasyon ng ilang miyembro na tumutol sa pagbibigay ng parliamentary courtesy sa panukalang pondo ng Office of the President sa 2027, masasagot sa budget defense sa plenaryo ng OP

Mariing tinutulan ng 5 miyembro ng House Committee of Appropriations ngayong Martes, Sept. 1 ang pag-i-extend ng parliamentary courtesy sa P10.15 billion na panukalang pondo ng Office of the President para sa taong 2027.

Ayon kay Assistant Minority Leader Renee Co, hindi ito suportado ng Makabayan block dahil marami pang isyu na kailangang pag-usapan; gaya ng kakulangan ng transparency sa proseso ng implementasyon o audit ng bilyon-bilyong pondo ng support to barangay development program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.; kakulangan sa malawakang accountability sa maanomalyang flood control projects at mga alegasyon kaugnay nito laban sa pangulo at gabinete; maging sa priority polices ng administration para pangalagaan ang kalikasan.

Sa kabilang banda, binigyang diin naman ni Kamanggagawa Party-list Representative Elijah San Fernando na taliwas sa mandato ng Kongresso ang pagbibigay ng parliamentary courtesy sa panukalang pondo ng Office of the President, lalo’t paulit-ulot umanong inihayag ni Pangukong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang busisiin ang bawat sentimong inilalaan sa mga opisina at ahensya ng gobyerno para sa transparency at accountability sa lahat ng antas ng gobyerno.

Dagdag pa ni Rep. Fernando, ang kortesiya ay mas kailangang ipagkaloob sa mga taxpayer na nagbabayad ng buwis pero hindi alam kung saan napupunta at hindi sa Office of the President.

Samantala, kinilala naman ni House Committee on Appropriation Senior Vice Chairperson Representatative Albert Garcia ang lahat ng manipestasyon ng mga tumutol sa parliamentary courtesy at sinabing sasagutin ito ng Office of the President sa plenaryo bago o sa mismong araw ng budget defense ng Tanggapan ng Pangulo.

Facebook Comments