RENOVATION NG OPISINA NG BRGY. OFFICIALS SA NUNGNUNGAN 1, KASALUKUYAN

Cauayan City – Kasalukuyan ang ginagawang renovation sa opisina ng mga Brgy. Officials sa Brgy. Nungnungan 1, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Conchita Labayan, kagawad sa nabanggit na barangay, buwan ng Desyembre noong 2024 nang maumpisahan ang proyekto subalit naantala ang konstruksyon dahil sa nararanasang mga pag-ulan, at paghihintay sa mga materyales.

Aniya, ilang buwan bago tuluyang masimulan ang proyektong ito dahil isa sa mga nagpatagal ng proseso ay ang Philippine Government Electronic Procurement System o PHILGEPS, kung saan ang proyekto na lalampas sa P50,000 na pondo ay kinakailangang sumailalim rito.


Samantala, sakop ng nabanggit na renovation ay ang pagtatayo ng karagdagang comfort room at kusina na magagamit hindi lang ng mga barangay officials, kundi magagamit rin kapag may mga bisita o mga selebrasyon sa barangay.

Ayon kay Kagawad Labayan, marami pa umano silang mga proyekto na nais simulan subalit kanila itong uunti-untiin dahil maraming proseso at dokumento ang kailangang pagdaanan bago maaprubahan ang isang proyekto.

Facebook Comments