
Cauayan City – Muling kinilala ang Provincial Government of Isabela (PGI) matapos nitong matanggap ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) Award mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 02 sa ginanap na Regional Awarding Ceremonies para sa mga Local Government Units.
Ito na ang ikawalong sunod na taon na natanggap ng Isabela ang prestihiyosong parangal.
Ang SGLG Award ay ipinagkakaloob sa mga lokal na pamahalaan na nagpapamalas ng mahusay na pamamahala at maayos na serbisyo publiko.
Sa loob ng walong magkakasunod na taon, pinatunayan ng Isabela ang kanilang dedikasyon sa maayos at epektibong pamamahala.
Patuloy namang nangako ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na ipagpapatuloy ang kanilang pagsisikap upang mas mapabuti pa ang mga serbisyong pampubliko para sa mga mamamayan ng lalawigan.