
Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go ang patuloy na pagsusulong ng mga reporma para sa kalusugan sa susunod na 20th Congress.
Kabilang dito ang pagprotekta sa pondo ng taumbayan at pagtiyak ng accessible at abot-kayang serbisyong medikal para sa lahat ng mga Pilipino lalo na sa mga mahihirap at marginalized sector.
Muling tiniyak ni Go na sesentro siya sa pagbabantay sa mga reporma ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at mas pinalawak na health access sa buong bansa.
Babantayan din ng senador ang implementasyon ng health centers sa mga lalawigan.
Iginiit ni Go ang pag-mobilize ng public healthcare ng bansa para matulungan ang mga mahihirap na kababayang walang maipambayad para sa kanilang pagpapagamot.
Facebook Comments