Puspusan ang pagre-repack ng mga barangay council dito sa barangay Salisay dagupan City, Kahapon August 13, 2026.
Layuning makapaghatid ng agarang tulong sa mga residente matapos ang epekto ng kalamidad ang isinagawang pamamahagi ng rice assistance sa Barangay Salisay, Dagupan City.
Umaabot sa 1,270 head of families, mula sa tinatayang 2,800 hanggang 2,900 kabuuang populasyon ng barangay, ang nakatanggap ng tig-dalawang kilo ng bigas mula sa Barangay Council.
Ayon kay Anthony Aquino, Barangay Captain ng Salisay, regular na isinasagawa ng barangay ang pamamahagi ng ayuda taun-taon, partikular sa panahon ng kalamidad.
Ang pondo para rito ay nagmumula sa Calamity Fund ng barangay.
Samantala, sinabi ni Aquino na wala namang naitalang evacuees sa kanilang lugar at kakaunti lamang ang mga bahaging nakaranas ng pagbaha.
Gayunman, kabilang sa pangunahing suliranin ng mga residente ang kawalan ng trabaho, lalo na kapag may suspensiyon sa kanilang regular na hanapbuhay.
Dahil dito, nagiging hamon para sa ilang pamilya ang paghahanap ng sapat na pagkukunan ng pagkain para sa araw-araw.
Patuloy naman ang Barangay Salisay sa pagbibigay ng suporta sa mga residente, lalo na sa panahon ng kalamidad at iba pang sitwasyong nangangailangan ng agarang tulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










