Resolusyon kaugnay sa inihaing reklamo kay VP Sara Duterte, hinihintay pa —DOJ

Naghihintay pa rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa ilalabas na desisyon ng National Prosecution Service sa reklamong nakahain laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay kaugnay sa naging pagbabanta ni VP Sara sa isang online press briefing kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez noong nakaraang taon.

Sa forum ng Meet the Manila Press kanina, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago Jr., na nasa kamay na ng Department of Justice o DOJ Prosecutors kung uusad sa preliminary investigation ang kanilang reklamo.


Pero may tiyansa rin aniya itong maibasura ng Department of Justice depende sa makikita ng imbestigasyon.

Nilinaw naman ni Santiago na trabaho nilang mag-imbestiga sa anumang banta laban sa mga namumuno at ang pagsasampa ng reklamo sakaling may makitang basehan.

Facebook Comments