Resulta ng May 9, tinanggap na ni Senate President “Tito” Sotto

114

Tinanggap na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ang pangunguna ng sa partial unofficial counting ng katunggali sa pagka-ikalawang pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Diin ni Senate President Sotto, nagdesisyon na ang mamamayang Pilipino at yun ay kanyang tinatanggap.

Sabi ni Sotto, nagpresenta sila ng alternatibo at mas mahusay na sistema ng pamamahala sa bansa at antas ng pulitika pero nakatuon na sa iba ang isipan ng mga botante.


Ipinagmalaki ni Sotto na ang kanilang word of honor at katapatan ay mas mahalaga kumpara sa pagkapanalo sa eleksyon.

Ipinagmalaki ni Sotto na hindi sya bumigay sa political pressure kaya nanatii ang kanyang prinsipyo at integridad hanggang sa huli.

Ngayon pa lang at binabati na ni Sotto ang magiging susunod na Pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.



Facebook Comments