Election returns na natanggap ng PPCRV, umaabot na sa 2,300

86

Umaabot na sa 2,300 na election returns (ERs) ang natanggap ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa command center sa University of Santo Tomas o UST sa Maynila.

Ayon kay Angel Antonio, Media Director ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), mula sa 2,300 ERs ay nasa 1,500 pa lamang ang na-encode para sa unofficial parallel count ng PPCRV.

Pasado alas-nuebe naman ng umaga nang sumalang sa encoding ang bagong batch ng mga volunteer ng PPCRV.


Patuloy din ang pagdating ng observers at dumating din ang mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC).

Facebook Comments