
Arestado ang isang 46-year old na retired military personnel matapos itong maharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Dubai.
Ayon sa PNP- Aviation Security Group (AVSEGROUP), nahaharap ang nasabing retired army sa kasong five counts ng Anti-Violence Against Women and their Children Act.
Bitbit ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu ng Angeles City court noong 2014 at may piyansang aabot sa P100,000.
Samantala, nasa kustodiya na ngayon sa Manila Police District (MPD) Barbosa Police Station 14 ang akusado para sa tamang ligal na disposisyon.
Facebook Comments