Retired personnel ng coast guard, nagkilos-protesta sa tanggapan ng PCG

Muling umaapela sa gobyerno ang mga retiradong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na pansinin ang kanilang naging problema sa nabawas na pensyon.

Giit ng ilang mga dating personnel ng PCG, walong taon na silang nagtitiis sa ginagawa sa kanila at haggang ngayon ay walang nais kumausap o magpaliwanag sa problema.

Inihayag pa ng mga PCG retiree na nagmula pa sa ibang probinsya, may ilan sa kanila ay nasawi na kahihintay na maresolba ang isyu sa bawas-pensyon kung saan kinakaltasan ng P8,000 hanggang P16,000.00 kada buwan na mula pa nooong 2017.


Kaugnay nito, hinikayat ni Master Chief Petty Officer Allan Cloma ng Office of the Command Master Chief ng PCG ang mga retirees gayundin ang mga kaanak nila na magkaroon ng dayalogo para magkaroon ng solusyon sa problema.

Facebook Comments