
Inanunsyo ngayon ng Department of Agriculture (DA) na mula sa P38 per kilo na presyo ng bigas ay magiging P35 na lang ang mabibiling bigas sa ilang MRT station sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod pa rin ng deklarasyon ng Food Security Emergency on Rice na naglalayong magbigay ng murang bigas sa publiko.
Una rito, kahapon ay P38 pa rin ang mabibiling bigas sa MRT-3 pero sabi ni Agriculture Spokesperson at Asst. Secretary Arnel de Mesa, simula sa susunod na linggo ay makabibili na ng P35 kada kilo ng bigas.
Matatandaan na noon pang huling bahagi ng 2024 ay nagsimula nang magbenta ang DA ng pinakamababang presyo ng bigas kumpara sa mga palengke sa ilalim ng Rice for All Program.
Makabibili ng P35 kada kilo ng bigas sa North Avenue Station, Cubao Station, at Ayala Station ng MRT-3 mula mula alas-3 ng hapon.