Umabot sa 312 baril ang sumailalim sa Showdown Inspection ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) nitong Hunyo 16, bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na armas at paghahanda para sa nalalapit na BSKE 2026.
Ang mga baril ay kabilang sa mga captured, confiscated, surrendered, deposited, abandoned, at forfeited firearms na nakolekta ng pulisya mula Mayo 16 hanggang Hunyo 15, 2026.
Ayon kay PBGEN Jovencio S. Badua Jr., Acting Regional Director ng PNP Police Regional Office 1 (PRO-1), masusing binabantayan ngayon ng pulisya ang pagpaparehistro ng mga baril para masiguro ang maayos na pagdaraos ng halalan sa Nobyembre.
Nagpaalala naman si Pangasinan PPO Provincial Director PCOL Dennis L. De Leon sa mga gun owner na agad iparehistro ang kanilang mga baril upang maiwasan ang paglabag sa batas at posibleng pagkakasangkot sa kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








