Riot, sumiklab matapos ma-qualify ang Morocco sa 2018 Football World Cup

36

Belgium – Nagkagulo sa Brussels, Belgium matapos ang naganap na football game.

Tinalo kasi ng Moroccan national side ang ivory coast sa score na 2-0 para ma-qualify sa 2018 tournament na gaganapin sa Russia.

Dahil sa sobrang tuwa, maraming fans ang nagwala kung saan nanunog pa ang mga ito ng isang kotse at mahigit sa 20 na mga pulis ang sugatan sa insidente.

Agad naman napahinto ang kaguluhan ng magdagdag ng puwersa ang mga pulis kung saan mariing kinondena naman ni Belgium Interior Minister Jan Jambon ang nasabing riot.

Facebook Comments