Anne Curtis at Erwan Heusaff, emosyonal sa naging kasal sa New Zealand

63

New Zealand – Kapwa emosyunal ang TV host actress na si Anne Curtis at food blogger na si Erwan Heussaff sa katatapos na outdoor garden wedding ng dalawa sa Thurbly Domain, Southland, New Zealand.

Trending ang mga binitawang salita ni Anne sa kaniyang wedding vow na “no me without you and no you without me.”

Bumuhos naman sa social media ang mga mensahe ng pagbati mula sa mga kasamahan sa showbiz para sa newlywed kung saan kanya-kanyang post din ang mga ito ng larawan mula sa pribadong engrandeng seremonya.

Kabilang sa star-studded ceremony ay mga kasamahan nito sa kinabibilangang noontime show gaya nina Vice Ganda, Karylle, Jugs And Teddy, Ryan Bang, at Vhong Navarro.

Imbitado rin sina Cheska Kramer, Danica Sotto, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, at Angel Locsin Kasama ang rumored boyfriend na si Neil Arce.

Samantala, naging emosyunal naman ang pag-cremate sa labi ng aktres na si Isabel Granada sa Quezon City kahapon matapos ang huling misa na inialay para sa aktres sa Arlington.

Narooon ang pamilya ni Isabel na si mommy Guapa, kasalukuyang partner na si Arnel Cowley, unang asawang si Jericho Aguas at mga anak, gayundin ang mga malalapit na mahal sa buhay ng 1980s teen star.

Facebook Comments