RIVER SEARCH AT RETRIEVAL TRAINING, ISINAGAWA SA MANAOAG, PANGASINAN

Isinagawa ang river search at retrieval training sa Manaoag, Pangasinan noong September 4, 2026.
‎

‎Ginawa ang nasabing training ng Philippine Red Cross o PRC bilang paghahanda at pagapapalakas ng kaalaman patungkol sa maaring mga sitwasyon sa mga kailugan lalo na sa panahon ng kalamidad.
‎

‎Inimbitaban sa nasabing training ang mga kawani ng Manaoag Municipal Disaster Risk Reduction Management Office upang tunghayan ang nasabing training.

‎
‎Naging daan ang training upang mas mapaigting ang kaalaman at kakayahan sa pagsaklolo at mga operasyon sa mga katubigan.
‎
‎Nakuha sa pagsasanay ang kahalagahan ng pagiging handa at ang tuloy-tuloy na pag-aaral at pagkatuto lalo na patungkol sa calamity and emergency response. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments